Matatapos na ang unang araw ng iyong ika 59 na taon…

Ambilis ng panahon, next December 12 eh Senior Citizen ka na…

Pero wish ko kay Bro na bigyan ka pa ng mahaba pang panahon na pagsasama samahan nating magpapamilya…

Bigyan ka pa ng malakas na katawan at matibay na isip…

Marami pa kaming nais ibigay sayo…

Kung noon ikaw ang kumalinga at nagtaguyod sa aming apat na magkakapatid, ngayon naman hayaan mong ibigay namin sayo ang konting ginhawa na aming makakayanan…

Sensya na kung ikaw lang ang pinagkakatiwalaan namin sa mga bata…

Alam kasi namin na mahuhubog mo ng ayos ang aming mga supling habang kami ay nasa malayo…

Sensya na rin na madalas naloloka ka sa kakulitan ng mga junakis na yan…

Hindi iisang beses na sinukuan mo ang kulit at likot nilang apat…

Pero alam ko rin na hinding-hindi mo ipagpapalit ang buhay na kasama ang mga apo mo…

Sana by now, kahit papano, nararamdaman mo na kung pano ka namin ini spoiled…hehehehe…

Kahit na anong rekwes mo ngayon, pinipilit ibigay…

Dahil you deserve all those things…

Alam kong lahat ng tao sa mundo itinuturing na the best ang nanay nila…

But for us, and for me specially, naniniwalang ikaw ang bestest best nanay in the whole universe…

Hinding hindi matatawaran ang mga sakripisyo at luhang ibinuhos mo para sa pamilya at para sa aming mga anak mo…

Hindi iilang beses kang nabigo sa akin, sa amin… pero paulit ulit kang nagpatawad at patuloy na nagmamahal…

Kahit alam kong madami kang gustong isumbat sa akin sa mga kagagahang nagawa ko sa buhay… hindi kita naringgan…

Kulang ang salamat po at patawad po…

Alam ko hindi ko nasabi sayo ng harapan yan…

Mahal na mahal na mahal na mahal po namin kayo Nay…

Happy happy birthday sayo Nanay!

Ang araw na ito ay espesyal na araw sa akin anak ko…

Tatlong taon na ang nakakaraan ng iluwal ka ng pwerta ko sa mundo…

Napawi lahat ng agam-agam at kalituhan ng isip ko…

Dahil nasilayan ko ang isang napakagandang dahilan ng pagtibok ng puso ko…

Para sayo Tetay ang araw na ito…

HAPPY 3RD BIRTHDAY LYZHIA BLEIN FELICITY…

sana next year maka attend na ako ng party mo… for the first time!

Kung naging normal lang sana ang takbo ng lahat, mag si-celebrate sana kami bukas ng ika 9th year wedding anniversary…

Pero hindi naman naging normal ang takbo ng lahat.

Bonifacio Day year 2002 ng itakda ang kasal naming dalawa.

Magjowa na kami since August 8, 1998. Unang jowa ko…

Maraming akala na inakala… Akala ganun na kakilala ang isat isa, akala ganun lang kadali pasukin ang buhay na ninais pasukin.

At maraming beses ding muntik muntikan ng mamatay sa mga maling akala na yun…

Saksi ang lahat sa isang masasabing bonggang kasalan na naganap sa aming bayan… Marami sa mga taong umattend hindi ko naman kakilala..

Ahahahahaha…

Ngayon ko masasabing batang bata pa ako nung akapin ko ang buhay ng pagpapamilya. Sa edad na 23 napakabubot ko pa para masabing handa na ako sa bagong yugto ng aking buhay.

At ganun din sya.

At naganap nga ang mga bagay na hindi dapat maganap.

Ang buhay may asawa ay parang mainit na kanin lamang na niluwa nung napaso…

At dahil hindi na ako kumakain ng bagay na nailuwa ko na, nagtuloy tuloy na ako sa pagpasok sa panibagong yugto ng aking buhay…

Matapos lang ang mahigit kumulang dalawang taon, tinapos namin ang aming naumpisahan…

At ang mga sumunod ngang pangyayari ay history na.

Matapos ang syam na taon, wala ng bisa ang taling nagsugpong sa aming dalawa…

Nakalas na ang nag susugpong sa aming dalawa…

Matapos ang ilang taon, ngayon ko na lang ulit napag tuunan ng pansin ang Bonifacio Day na may kakaibang tingin.

Sa lahat ng nangyari, nagpapasalamat pa rin ako sa mga pinagdaanan naming dalawa.

After all, sya pa rin ang unang taong pinag alayan ko ng aking puso…

Sya pa rin ang sperm donor ng aking anak…

Kung nasaan man sya ngayon, sana masaya din sya…

Dahil kahit papaano, masaya ako ngayon…

Dahil ako ay nakalaya na…

Congratulate me!!!!

Officially and legally single na ulit ako…

O pila na ang aplikante dyan…

Bwahahahahahaha…

Ang saya-saya ko as in pramis…

Uber-uber!

Thanks sa lahat ng mga nagdasal for this…

haylabyuol!

Di ko naman talaga inaakala na makikita ko ulit sya…

10 years…?

Di ko akalain na ganun na pala katagal nung huling beses na nakita ko sya.

Noong araw, excited ako tuwing sasapit ang summer vacation. Lalo na kung sa mga pinsan namin sa Bulacan ako magbabakasyon.

Bakit kanyo? Aba naman, andaming boys dun…

Puro lalake kasi ang mga pinsan ko dun, at natural naman na puro lalake rin ang mga tropa nila.

Close na close kasi kami sa mga pinsan namin sa mother side… ewan ko ba kung bakit halos lahat naman ganun ang nangyayari. Mas nagiging close tayo sa mga kamag anak natin sa mother side.

Kahit na magkakalayo kami at once a year lang magkita, once na magkasama-sama ulit, para bang tinutuloy lang namin ang naputol na usapan nung nakaraang taon.

Dahil puro babae kaming magkakapatid at sa anim na pinsan namin sa Bulacan, isa lang ang babae nilang kapatid, para na rin naming tinuring na kapatid ang isat isa.

Ayun nga, napakahabang introduction…eh gusto ko lang naman sabihin na nakita ko ulit yung crush ko simula grade 5 ako…

Bwahahahahaha…

Dami pang paeklat eh kalandian lang naman talaga ang laman ng entry na to.

Ayun nga, last July nung nakita ko sya sa friendster ng pinsan ko, nagcomment ako sa kanya na crush ko sya… Ayun feelingerong frog, ini-add ako sa friendster, sa facebook, sa YM… ahahahahaha… Nasa KL Malaysia pala sya for 5 years na… akalain mong kapitbahay ko lang pala sya…

Ayun, mas gwapo sya nung bata-bata pa sya, kasi mejo malaman pa sya nun. Magaling mag skateboard, mag exibition sa bmx, mountaineer, dugyot… Mga klasik eksampol ng mga kinahuhumalingan kong nilalang…

Tas nung nakaraang weekend, sinamahan ko yung mga tropa kong nagbabakasyon dito sa SG na mag side trip sa KL. Tutal naman bonggang bonggang sale ang airfare sa Tiger Airways kaya punta kami.

Hindi ko naman akalain na makikipag kita sa amin tong loooong time crush ko na to… Di ko man lang napaghandaan ang aming muling pagkikita… Sana man lang nakapag pa-facial ako at nakapag pakulot di ba?

Noong nakita ko, naisip ko…hindi na sya ganun kagwapo… pero unti-unti habang tinititigan ko aba naman panay ang dagundong ng aking puso…

Huwaaaaat!!!!!

Ahahahahahaha… crush ko pa rin pala sya… ahahaha..after all these years…

Ayun lang… kilig kilig much lang…

Sabi ko liligawan ko sya… kaso sabi nya wag daw kaming magmadali..bwahahahahaha…

Saka ang gastos nyang ligawan kasi long distance love affair yun kung magkakataon…

Kapag daw kasi minamadali, parang pelikula lang yan na pina-fast forward mo, mabilis mong mararating ang The End…

Ayun, di ko alam kung makakapasa ang pangliligaw ko sa kanya…

Sa ngayon, tamang kilig at blooming lyzius muna ang effect sa akin…

Kung matatandaan nyo (which i doubt kung oo), nagkaron ako ng wish chuvaness dito days before my birthday this year. Kung talagang hindi nyo matandaan (which im sure na oo), pakipindot na lang tong linktek na ito.

May naisulat na rin akong sumkindalaykdat na entry halos isang taon na ang nakakaraan na makikita nyo dito.

Ayan, sana eh binigyan nyo ng panahon na pagpipindutin yan mga yan kahit na pakitang tao lang..ahahahaha…

Okay, anong kinalaman naman nyan? Uhhm wala lang. Mga lugar lang yan na gusto kong puntahan at binalak na puntahan. So kumustahin naman natin kung me natupad na sa mga plinano ko na yan.

Dun sa sinulat ko dito eh halos natupad ko na yan.

1. Malaysia. Narating ko na ang JB nung December 2008 at ang KL nung January 2009.

2. Indonesia. Narating ko na ang Batam nung February 2009 pero ang Bintan at Bali eh hindi pa.

3. Thailand. Narating ko na rin ang Bangkok nung nakaraang October 2009 pero ang Krabi at Phuket ay hindi pa.

Suma-total masaya na rin ako kahit papano dahil natupad ko ang mga munting hiling na yan sa murang halaga lang. Mas mahal pa nga kung pupunta ka ng Davao o Palawan.

Pero sa mga naisulat ko dito eh dalawa pa lang ang natupad. Which is yung Thailand pa lang at Chuck Taylor. Opo naka iskor na ako ng bonggang bonggang chuck taylor sa Bangkok. Ewan ko lang kung original yun pero ang mura eh. Mukhang original naman.. Bwahahahaha…

Ano pa rin ang sense ng entry na ito?

Wala lang… hahahaha…

Pero sige lalagyan ko na ng konting sense.

Ganito kasi yun, napanood ko kagabi yung Trip na Trip sa TFC. They featured Dumaguete City at mga nearby cities dun. Sobrang nasabik ako na maexperience din yung Dolphin Watching sa Bais City. Parang sobrang close mo sa nature at sa creation ni Lord.

Para mas may idea ka kung anong mga sinasabi ko dito click mo naman ito. Yan ang website ng Dumaguete Tourism sa palagay ko lang.

Kaya kanina, pagdating ko dito sa trabaho, nag check agad ako ng kung magkano ang magagastos pagpunta dun. Konting diperensya lang ng pamasahe kung hanggang Manila lang ang ticket ko compare kung didiretso ako ng Dumaguete via Cebu Pacific.

Yun nga lang, mas mahal ang pamasahe papuntang Dumaguete kesa punta ng Thailand o Vietnam.

Kaso ang sabi ni KatKat De Castro at Jason Gainza (na sawit na ang dila at hindi na puntong ala-eh kung magsalita) eh suitable daw yun for honeymooners…

Eh kumusta naman ang ka honeymoon ko?

So kung me mag a-apply, send lang kayo ng Resume indicating your SALARY with whole body picture, close-up ID picture sa lyzius0608@gmail.com.

BWAHAHAHAHAHAHA.

Hindi ito yung mga tigreng nag peperform sa mga zoo at mga carnibal.

Ang tinutukoy ko dito ay isa sa mga dinadayo ng mga turista sa Bangkok. Lalake man o babae, disente man o hindi.

At noong nakaraang byernes, isa akong piping saksi (mute witness at hindi kepyas na saksi ha) sa show na ito.

Kung ikaw ay isang nilalang na may edad labingwalong taong gulang pataas, maari mong pindutin ang “more” link sa baba nito…

(more…)

Oo puyat ako, ilang araw na, i mean ilang linggo na.

Kasalanan ni Kuya.

Simula ng mag umpisa ang Pinoy Big Brother sa ABS-CBN, hindi na ako nakakatulog ng maaga sa alas dose. Pano ba naman natatapos ang PBB dito sa TFC Singapore at 12MN.

Minsan kapag nalilipasan na ako ng antok, napapanood ko pa ang Wowowee hanggang madaling araw.

Grabe, kung pwede lang gumulapay na lang ako sa ilalim ng lamesa ko eh ginawa ko na. Talagang napapapikit ako sa trabaho dahil sa puyat…

At ang kaadik-adikan kong ginawa simula ng magbukas ang bahay ni kuya ay ang paghihintay ko ng PBB Spooktacular nung sabado hanggang alas tres y media ng madaling araw, para lamang madisappoint na pinalabas pala ulit yun nung mga alas otso y media ng umaga kinabukasan.

O-ha!

Ewan ko ba, nahooked na ako sa PBB. Ahahahaha… Nakakatuwa kasi ang twist ng reality show ngayon at syempre nakakatuwa ang mga funny antics ni Melay who reminds me of my long lost bff na si Sisa… Kapag nakikita ko si Melay sa TV parang si Sisa ang nakikita ko. Hindi yung mudra ni Crispin at Basilio ha, kundi yung friend ko na si Chery Lyn… Yaikks di ko feel na tawagin sya sa full name nya. Bwahahaha…

Syempre ang kababayan kong si Jason effortless sa pagpapatawa. Kahit siguro seryoso ang lines na dinideliver nya eh matatawa ka na sa kanya. Natural na natural. Bwahahahaha…

Syempre gusto ko mag bahagi ng opinyon ko sa mga twist sa buhay ng mga housemates. Sa House B, eto masasabi ko:

Any moment madedevelop si Kath sa fake husband nya na si Patrick. Di ba nga one and only jowa nya si Jimson (real husband nya) kaya wala pa syang comparison kung anong pakiramdam na may karelasyon na iba. Tas eto namang si Patrick eh super pa sweet ke Kath, tas pakiramdam ko, hindi ganun kasweet si Jimson sa kanya during the course of their relationship plus the fact na hanggang ngayon masakit pa rin kay Kath yung ginawang pambababae ni Jimson before.

Sa palagay ko, kahit na part of the game yung sitwasyon nila, di mapipigilan ni Kath na magcompare. Sabi nga ng matatanda: Don’t play with fire, soon you’ll be the one cooking over it.

Though hindi nila ginusto mapunta sa sitwasyon na yun, hindi rin nila mapigilan, lalo na si Kath na vulnerable sa feelings nya, na madevelop sa taong mas nagpapakita ng care at sweetness sa kanya.

Kawawa rin yun real life wife ni Patrick, ano kayang nararamdaman nya habang napapanood nya ang mga nagaganap sa bahay ni Kuya? Kahit pa sabihin nating laro lang yun, kung me history na si Patrick ng pambabae. Ngayon nakikita ng wife ni Patrick kung pano dumiskarte si Patrick sa mga naging jowawers nya…

Hay kakalurkey! Good luck sa mga relasyon nila…

Sa House A naman, maloloka ako kay Rica. Bwahahahaha… sya ang talagang maraming suggestions kung papano sila magmumukhang sweet-sweetan ni Rob.. Bwahahaha..taking advantage of the situation..

Ahahahahaha…

Natutuwa din ako kay Princess, lalo na sa mga pagsagot sagot nya ng pabalang kay Big Brother…

Kinilig much din ako sa pagkikita ni Jason at Maja Salvador. Ahahaha..parang teenager lang…

“A-ah di man la-ang nagpasabi at nang nakapag handa, tong taong a-re ga!”

Yan yung nasabi ni Kabayang Jason kay Kuya nung makalabas si Maja sa confession room…

Yun lang, abangan ko na lang sa mga susunod na gabi ang mga susunod na mangyayari…

Nagkakayayaan ang mga gurl friends ko dito sa trabaho na mag lunch out naman daw. Matagal-tagal na rin naman kaming hindi naka kain sa aming suki kada byernes.

Ang Lau Pa Sat. Matatagpuan ito malapit sa Raffles Place MRT Station. Exit I then follow the directions kung pano makarating dun. Sa kaso naming galing sa site, me bus na provided ang opisina para maghatid sa LPS.

Me ilang Pinoy restoran na din dun sa LPS. Andyan ang Happy V (former Jolly-V na singlasa talaga ng mga produkto ng Jollibee), andyan ang Mack’s Inasal (ginaya siguro sa Max’s Restaurant), andyan ang Panyero’s kung saan sari-saring mga Pinoy foods ang tinda at ang pinakabagong stall dun, yung Mang Kiko’s Lechon.

Medyo natakam kami sa Lechon Liempo kaya pinili naming pumila sa Mang Kiko. Nakakaawa nga yung Panyero’s kasi dati sobrang haba ng pila ng mga pinoy dun, pero simula ata nung tumapat sa tindahan nila ang Mang Kiko eh bihira na ang nakapila dun.

Usual price ng set meals ng Pinoy Resto sa LPS eh nasa SGD5 to SGD7. Mayron ng kanin, ulam at sabaw yun.

Sa Mang Kiko ang isang order ng set meal ay SGD6 na naglalaman ng Rice, lechon, soup at maninipis na hiwa ng pipino. Panalo naman ang sabaw nila kanina kasi paksiw na pata na malalasahan mong matagal talagang pinakuluan yung baboy. Sarap!!!

Para me pangbasag ng tababoy, umorder pa ako ng isang itlog na maalat sa halagang SGD2… Oha! ang ginto lang ng presyo ng itlog na maalat dito, halos aabot ng Php 66 bawat isa.

Oo alam ko bawal na ang karne sa akin, bawal pa ang sobrang taba, pero sana mapatawad ako sa paglabag ko sa mga bawal na yun. Sobrang lakas talaga ng kaway ng tukso na umorder ako nun.

Pero pero pero hindi ko pa man nauubos ang lechong order ko (ang dami kasi nung serving) eh nakakaramdam na ako ng pamamanhid ng ulo at pagsakit ng batok.

Patay na!

Di ko na inubos yung lechon dahil napapatingin pa lang ako sa plato ko eh nahihilo na ako.

Matapos ang dalawang slice ng Pinyapol na binili ko at isang lata ng Pinyapol juice eh eto, mahilo-hilo pa rin ang pakiramdam ko….

Sabi ng wag ng kakain ng kalahi, ayan tuloy ang napala ko…

Dumating na kanina ang result ng application ko para sa Permanent Residency dito sa SG.

Sa klase pa lang ng sobre, hindi ko na kelangan buksan para malaman kung anong resulta. Manipis ang sobre, meaning rejected.

Maghintay daw ako ng another 2 years para mag re-apply. Bwahahaha. Ang lupet! Samantalang yung iba 6 months o 1 year lang…

Pero hindi ako ganun kadisappointed. Pramis.

Half-hearted kasi ako sa pag aapply. Kumbaga, ma approve o hindi marami pa akong natitirang option. Kung gusto ko pang magtagal dito sa SG at makakuha ng security na makakapag stay pa ako dito pagkatapos ng project namin habang naghahanap ng bago, pwede ko naman apply-an yung tinatawag na PEP o Personalized Employment Pass.

O hinga muna at ang haba na ng sinabi ko.

Naisip ko na lang, na siguro may ibang plano si Lord. Sa kasaysayan ng mga Pinoy sa kumpanya namin, ako pa lang ang nareject… Hahahaha…

Wala namang reason kung bakit, basta rejected daw. Okay fine!

Para sa mga interesado naman dun sa PEP, kung P1 pass holder ka dito, pwede mo ng applyan yun kung naka 6 months ka na sa SG. Kung P2 naman, after 2 years pwede mo na applyan at kung Q pass naman, after 5 years. One time application lang yun, at kung nagamit mo na, di na pwedeng mag re apply.

So kung talagang nanaisin ko pang magtagal dito sa SG, pwede ko ng applyan ang PEP ko sa 2nd year ko dito sa SG.

Anong kaibahan ng PEP sa PR?

Pwede kang mag stay ng upto 6 months sa SG na hindi kelangan mag exit hanggat wala ka pang nahahanap na trabaho. Guaranteed min salary of SGD 3000 per month. Walang CPF. 5 years ang validity ng PEP. Anytime na gusto mong magresign sa company pwede kasi sarili mo ang employment pass mo.

Yun ang kaibahan.

So meron pa akong another option kung hindi ako maisasama sa Macau Team ng kumpanya namin.

Siguro sabi ni Lord, wag na akong mag stay ng matagal sa SG at baka daw tuluyan akong mapariwara… Bwahahahaha…

Ayun, isa pang nakapag pagaan sa sitwasyon eh me natanggap akong text mula sa barkada ko nung HS. Hindi ko muna isisiwalat at baka mauya pa.

Pero sobrang natuwa ako. Naiyak pa nga ako sa katuwaan eh.

Next Page »