pinoy-blog-awards3

Marami na ang sumali at nagsumite ng kanya kanyang lahok para sa pakulo ng mga tao sa likod ng PEBA…. Ang Pinoy Expats/OFW Blog Awards.

Nakakabagbag damdamin ang mga lathalain ng marami sa kanila… Bilang isang OFW nakakarelate ako sa bawat istoryang kanilang ibinahagi.

Bilang pagtugon (naks MGF) sa kanilang imbitasyon, sinubukan kong sumali at ipadala kung pasok ba sa kanilang banga ang ideya kong ito.

Sa video sa baba na inupload ko sa You Tube, makikita ang mga larawan ng ilan sa aking mga kaibigan at kapamilya na OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi ko rin sigurado kung bukas makalawa o baka maya maya lang eh tanggalin ng you tube ang nilagay kong tugtug bilang pangpagana sa inyong panonood.

Salamat sa musikang handog ng Session Road (bandang taga Baguio) na “Gusto na kitang Makita”, nabigyang buhay ang aking lahok na ito…

Alam naman nating lahat na ang bawat OFW sa lahat ng sulok ng mundo ay maituturing nating bayani… Sa talino nyang ibinabahagi sa larangan ng pag unlad ng bawat bansang kinalalagyan nya. Aminado tayong lahat jan, kahit pa anong uri ng marangal na trabaho meron tayo sa ibang bansa, me kontribusyon tayo sa pag unlad ng bansa nila…

At bilang paglaban sa lungkot at pag iisa sa ibayong dagat, hindi mawawala sa bawat isang OFW ang pamamasyal at pagpapa picture sa bawat lugar at landmarks na kinalalagyan niya. Isa ng halimbawa ang mga larawang nakapaloob sa maiksing video na ginawa ko.

KUNG NAGUSTUHAN NYO ANG ENTRY NA ITO, PWEDE KAYONG BUMOTO SA SITE NG PEBA

TICK NYO LANG YUNG NUMBER 23 TAS CLICK VOTE…

TENCHU BERI MUCHO!!!!!